
Di na ako nakakapagdoodle ng matino, I mean yung doodle na worthy iupload dahil sa acads (at Facebook). Kaya ayun, sinisingit ko na lang yung artsy asrtsy side ko sa mga project sa school.
Yay! Eto yung entry ko sa Visuals With Vision ng YoCard. Isa sa theme ng contest ay “how seas can be saved” kaya ayun, nagdoodle ako ng pa-goody Captain Planet-influenced retarded kids at colorful sea creatures.
Ahoy guni guning visitors! May pakulo si daibasu. Hulaan niyo kung sino ang doodle na ‘to. May premyo. Pramis. Secret pa nga lang.
Yay! Inurong ang first day ng classes! Imbis na this week ay sa June 16 pa. Kaya ayun, may panahon ako para magdoodle at gumawa ng bagong blog.
Panahon ng sunflower sa unibersidad. Saya sigurong grumaduate kasama sila.
Eto ang pinakauna kong colored komix. Oo na, cute nga pero di nakakatawa.
22nd birthday ni YUI noong March 26, 2009. Bigla ko na lang natripang sumali sa pakulo na Birthday Postcard Project sa YL Forum.